Bahagya nang nakakabawi sa retail price ang produktong kamatis sa lalawigan makaraang makaranas ng sadsad na presyo nito mula sampung piso hanggang bente pesos ang kada kilo.
Sa tala ng Department of Agriculture Ilocos Region mula January 29 hanggang February 2, 2024, umusad ang retail price ng kamatis sa lalawigan sa otsenta pesos kada kilo.
Nasa bente singko pesos ang itinaas ng presyo nito kumpara noong nakaraang tala mula January 22 hanggang January 26, 2024 kung saan nasa singkwenta y singko pesos ang kada kilo.
Malaking bawi ito ngayon sa mga retailer ng kamatis bilang unti unti nang muling nakakabawi ang kanilang pagtitinda sa naturang produkto.
Pahirapan umano kasi ang mga nakaraang linggo pagtitinda nila kung saan nakita ang pagbagsak ng presyo ng naturang produkto habang sumunod naman ang produktong sibuyas.
Sa kabilang banda, tuloy pa rin naman ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga palengke at ikinatuwa rin ang nakitang pagbaba sa presyo ng produktong bangus sa lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨