𝗥𝗘-𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗜𝗦𝗧 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗣𝗘𝗗𝗥𝗢 𝗠𝗘𝗥𝗥𝗘𝗥𝗔, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖

Pormal nang naghain ng kandidatura si Re-Electionist Binmaley Mayor Pedro Merrera para sa 2025 midterm elections kasama ang kaniyang partido,kahapon.

Naunang dumalo ang partido sa isang misa at agad na sinundan ng COC Filing pagpatak ng alas otso ng umaga.

Running mate ni Merrera sa pagka bise alkalde si Binmaley Former Councilor Violeta Salazar at miyembro ng Sangguniang Bayan sina Re-Electionist Councilors Amelito Sison, Gericho Francisco, Urbano delos Angeles, Rolando Ferrer , Former Councilor Jose Carrera, Vismark Valerio at Douglas Delos Angeles.

Sa ginanap na press conference ng partido, inihayag ng mga ito ang mga plano na nais pang isakatuparan sa bayan sa ilalim ng administrasyon ng alkalde kung papalarin muli sa susunod na halalan.

Kaugnay nito, panawagan ng partido ang transparency sa serbisyo publiko na patuloy umanong isinusulong ng kasalukuyang administrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments