Nagbigay kasiguruhan ang National Food Authority Pangasinan na sapat ang rice buffer stocks na mayroon ang lalawigan.
Sa kabila ng nararanasang epekto ng el niño phenomenon ng mga magsasaka sa iba’t ibang parte ng rehiyon, sinisiguro na hindi nito apektado ang rice buffer stocks sa lalawigan.
Sa kasalukuyan, nasa labing pitong libong bags ng palay stocks ang NFA Pangasinan at nasa labing isang libong bags na rito ang na-convert na bilang bigas.
Magtatagal ng hanggang anim na buwan ang shelf-life ng mga naturang rice buffer stocks.
Sa oras naman na hindi ito nagamit ng mga LGUs kung sakali mang walang naranasang sakuna o ano pa man ay nakatakda namang ibenta ng NFA ang stocks na ito sa Bureau of Jail Management and Penology at government owned hospitals. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨