Nakitaan ng pagbagal sa nagdaang buwan ng Mayo ngayong taon ang rice inflation rate.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 23% ngayong buwan na mas mababa kumpara sa 23.9% na rice inflation rate noong buwan ng Abril sa kasalukuyang taon.
Sa huling araw ng Mayo, ayon sa Department of Agriculture (DA) price watch, naglaro sa P48 hanggang P55 ang kada kilo ng well milled rice, habang nasa P45 to P52 per kilo ang regular-milled rice.
Inaasahan na kung magkakaroon umano ng ng pagbaba sa presyo ng bigas dahilan ang pagtapyas sa taripa nito, ay posibleng magresulta ito sa pagpapababa ng inflation rate ng produkto.
Samantala, bumilis ang headline inflation ng bansa sa 3.9% ngayong Mayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments