𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nakatakdang itayo ang Rice Processing Center na magsisilbing tulong para sa mga magsasaka sa lungsod ng San Carlos.

Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng lungsod at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech).

Inaasahan na makatutulong ang naturang rice facility sa produksyon ng bigas sa probinsiya sa pamamagitan ng mga magagamit na makinarya.

Makatutulong din ito upang tumaas ang kita ng mga magsasaka at makatulong sa pagpapaunlad ng kabuuang sektor ng agrikultura sa San Carlos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments