Tuesday, February 10, 2026

𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗙𝗙𝗘𝗥 𝗦𝗧𝗢𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦

Cauayan City – Nakatakdang makinabang ang Cauayan City, Isabela sa planong Rice Post harvest Modernization Project matapos lagdaan ni Department of Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang Grant Agreement kaugnay ng pagtatatag ng isang modernong rice processing system sa lungsod.
 
Layunin ng proyekto na suportahan ang buffer stocking program ng pamahalaan upang matiyak ang sapat at matatag na suplay ng bigas sa merkado.
 
Bahagi ito ng opisyal na misyon ng Kalihim sa Japan noong January 26–29, 2026 kung saan nakipagpalitan siya ng kaalaman at best practices sa modernisasyon ng agri-fisheries
at pagpapalakas ng food security.
 
Inaasahang mapipirmahan ang pinal na kasunduan ngayong Pebrero 2026 para sa agarang pagpapatupad ng proyekto sa Cauayan City.
 
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments