𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗜𝗧𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Patay ang rider at angkas nito matapos bumangga sa poste ng kuryente sa Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas dos kwarenta nang mangyari ang aksidente.

Binagbagtas ng biktimang lalaking construction worker na edad 22 anyos at babaeng 21 anyos lulan ng motorsiklo ang kahabaan ng barangay Babasit nang mawalan ng kontrol ang driver sa kaniyang motorsiklo at bumangga sa poste ng kuryente.

Napuruhan ang dalawa na agad naming naitakbo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments