𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Pinagbabaril ang mag-asawa kasama ang kanilang isang taong gulang na anak sa Brgy. Caingal, San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang harangin sila ng suspek na sakay rin ng motorsiklo.

Sinabi ng suspek na gusto niyang patayin ang mag-asawa at saka pinagbabaril ang mga ito ng tatlong beses.

Dinala sa ospital ang mga biktima kung saan nagtamo ng gasgas ang mister.

Pinaghahanap na ang awtoridad ang suspek na residente rin umano sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments