π—₯π—’π—”π——π—¦π—œπ——π—˜ π—œπ—‘π—¦π—£π—˜π—–π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗧 π—˜π— π—œπ—¦π—¦π—œπ—’π—‘ π—§π—˜π—¦π—§π—œπ—‘π—š, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—¦π—”π—¦π—”π—žπ—¬π—”π—‘ 𝗦𝗔 π— π—”π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—€π—¨π—œ

Nagsagawa ng roadside inspection at emission testing sa mga pangunahing lansangan ang awtoridad sa bayan ng Malasiqui.

Sa ilalim ng programang, Bantay Tambutso Program ng Land Transportation Office Region 1 Katuwang ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau Region 1, lokal na Pamahalaan ng Malasiqui at Provincial Environment and Natural Resource (PENRO), Isa-isang ininspeksyon ang mga dumaraang sasakyan sa mga kakalsadahan upang malaman ang mga mayroong mataas ang smoke emission.

Ang mga sasakyang hindi pumasa sa emission standards ay pagmumultahin ng tanggapan.

Sa pamamagitan ng inspeksyon at emission testing sa mga sasakyan na ito ay maaaring makatulong na mabawasan ang polusyon sa hangin.

Ang naturang programa ay naglalayon na maisakatuparan ang anti-smoke belching monitoring at emission testing sa pamamagitan ng pagbabantay sa inilalabas na usok ng mga sasakyan na batay rin sa Clean Air Act at mga regulasyon pang nakapaloob.|π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments