𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗥𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗦𝗔𝗡 𝗜𝗦𝗜𝗗𝗥𝗢, 𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Nakumpleto na ang pagsesemento sa mabato at malubak na kalsada sa Purok 4, Brgy. San Isidro, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Ambrocio Damuplas, may habang isang daang metro ang naturang road concreting kung saan ang karagdagang tatlong daang metro ay aasahang masimulan ngayong taon.

Aniya, magmumula ang pondo kay Jocelyn Tulfo kung saan magbibigay ito ng dalawang milyong piso para sa pagpapatuloy ng nasabing proyekto.


Ang proyektong ito ay malaking tulong sa mga residente ng nasabing barangay lalo na ang mga nakatira sa Purok 4 dahil mapapabilis ang kanilang transportasyon at pagbyahe ng kanilang mga produkto patungo sa bayan.

Facebook Comments