𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗘𝗟, 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Ginarantiya ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na magpapatuloy ang konstruksyon ng road elevation at drainage system sa bahagi ng Barangay Carael matapos nitong maranasan ang pagbaha dala ng high tide at habagat.

Ayon sa ilang residente, matagal nang problema ito sa kanilang barangay at nangangambang magdulot ng iba’t-ibang sakit sa tag-ulan.

Sinabi naman ng lokala na pamahalaan, Bagamat naumpisahan na umano ang phase I ng konstruksyon sa pagpapataas ng kalsada at kanal sa nasabing barangay ay kailangan pa rin ipagpatuloy ang proyekto nang sa gayon ay makumpleto ito.

Dapat rin umano na magkaroon ng epektibong drainage system sa naturang lugar upang hindi maipon ang tubig sa iisang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments