𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗨𝗣𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗕 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗘𝗭 𝗔𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Ininspeksyon ng alkalde ng Dagupan City at ilang kasamang kawani nito ang isinasagawang road at drainage system upgrade maging outlet construction sa bahagi ng AB Fernandez Ave.

Ang pagsasaayos ng naturang drainage at outlet ay para sa layon na tuluyang masolusyunan ang problema sa baha.

Idurugtong ang isinasagawang konstruksyon na ito sa isasagawang upgrading ng PCC pavement at drainage system sa bahagi ng Herrero Street, Barangay Herrero-Perez.

Kasama naman ang pondo ng pagdurugtong ng mga outlet na ito sa budget ng siyudad.

Samantala, ang bahaging ito ng konstruksyon ay patapos na proyekto rin ng DPWH. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments