Saturday, March 21, 2026

𝗥𝗲𝗰𝗿𝘂𝗶𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆𝗮, hinatulang 𝗴𝘂𝗶𝗹𝘁𝘆 𝘀𝗮 kasong 𝗹𝗮𝗿𝗴𝗲 𝘀𝗰𝗮𝗹𝗲 𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗿𝗲𝗰𝗿𝘂𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁

Hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 6 sa kasong large scale illegal recruitment ang isang babaeng akusado.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ang akusadong si Marlyn Legaspi Baldedara ay nakapag-recruit ng apat na katao para sa trabaho sa abroad gamit ang pangalan ng ibang kumpanya.

Lumalabas din sa imbestigasyon na pinangakuan ni Baldedara ng trabaho ang mga biktima bilang factory worker sa Poland, at sinabing mapapaalis ang mga ito sa pamamagitan ng PLJL Manpower Exporter, Inc. (PLJL).

Siningil din ng akusado ng kada isa ang mga biktima ng Php 50,000 bilang processing fee at Php 5,000 bilang agent fee.

Ayon sa korte, bagama’t lisensyado si Baldedara bilang recruitment officer ng ibang kumpanya , guilty ito sa paggamit ng pangalan ng ibang kumpanya.

Facebook Comments