π—¦π—”π—šπ—¨π—§π—”π—‘ π—›π—”π—•π—”π—‘π—š π—‘π—”π—šπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—₯𝗒 π—‘π—š π—’π—‘π—Ÿπ—œπ—‘π—˜ π—šπ—”π— π—˜, π——π—”π—›π—œπ—Ÿπ—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—”π—‘π—”π—žπ—¦π—”π—ž 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ 𝗦𝗔 𝗔𝗑𝗗𝗔

Nagtamo ng sugat sa kaliwang hita, likod at hiwa sa mukha ang 38 anyos na mangingisda na si Wendell AΓ±is, biktima ng pananaksak ng 27 anyos na construction worker na si Gelacio Magno Jr.

Nag-iinuman umano ang dalawa kasama ang ilan pang lalaki sa compound ng isa nilang kainuman. Nakainom na rin umano ang mga ito ng ilang bote ng gin habang naglalaro ng online game na mobile legends nang nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mga ito dahil sa laro. Bigla nang sinaksak ng suspek ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa kasalukuyan, nagpapagaling ang biktima habang naaresto nam ang suspek sa isinagawang follow-up operation. Narekober din ang folding knife na pinaniniwalaang ginamit sa pananaksak. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments