Isang sako na naglalaman ng labing isang pakete ng shabu na palutang lutang sa dagat ang natagpuan ng grupo ng kabataan sa Agno, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, June 16, 2024 pa ng makita ng mga kabataan ang sako ng shabu. Dahil sa pag-aakalang ang laman ng sako ay tawas iniwan na lamang nila ito malapit sa dagat ng Barangay Gayusan.
Noong Lunes July 8, 2024, nakita ng isa sa grupo ng kabataan ang leaflet ng pulisya ukol sa shabu na nakita sa baybaying bahagi ng Sitio Abagatanen.
Dahil dito, agad na Ipinagbigay alam sa opisyal ng barangay ang iniwang sako ng shabu at itinurn over sa pulisya upang isailalim sa pagsusuri.
Ayon sa pulisya, may posibilidad na magkakasama ang nakuhang shabu ng mangingisda sa laot noong araw ng linggo na may kaparehas na foreign markings at Cai Yun Li. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨