𝗦𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗖 𝗘𝗤𝗨𝗜𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔

Binigyang diin ng Presidente ng Association of Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Officers na bagaman may kakulangan sa high-end equipments, kumpleto ang basic equipment at trainings ng mga DRRM officers sa lalawigan upang makapaglingkod sa anumang sakuna at sa kasalukuyang banta ng tag-ulan.

Dagdag nito, umuugong na ang pagsasaayos ng early warning systems sa mga sakuna sa lalawigan upang hindi na umabot sa risk alert.

Katunayan, kamakailan lamang ay dinaluhan ng mga MDRRMO personnels mula sa Baustista, Lingayen, Bugallon, Rosales, Urbiztondo, Mangatarem,San Carlos City at Alcala, mga bayan na malapit sa Agno River, ang workshop patungkol pare-parehas na flood early warning system na may layunin na early protection at manaig ang resiliency ng mga komunidad sa banta ng pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments