𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡

Sampung barangay ngayon sa lungsod ng Dagupan ang mahigpit na binabantayan dahil sa posibleng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-uulan.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kasabay ng patuloy na pag-uulan ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Pantal-Sinucalan River.

Bagamat nasa 6.0 meters pa lamang tinitignan ding dahilan ang high tide na dahilan ng pagbaha.

Kabilang sa mga barangay na ito ay Bacayao Sur, Bacayao Norte, Pogo Grande, Pogo Chico, Lasip Grande, Lasip Chico, Malued, Caranglaan, Mayombo at Herrero Perez. Samantala, ilang kakalsadahan ngayon ang nakakaranas ng bahagyang pagbaha dahil sa high tide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments