
Cauayan City – Naglabas ng paalala ang Santiago City Mobile Force Company upang mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa pagmamaneho ng mga menor de edad sa mga kalsada sa Santiago City.
Ayon sa pulisya, bawal magmaneho ang mga batang wala pang 17 taong gulang at mga walang lisensiya na wala pang sapat na kaalaman at maturity sa pagmamaneho.
Paalala ng awtoridad na ang ganitong gawain ay paglabag sa umiiral na batas-trapiko at maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa bata kundi pati sa ibang motorista at pedestrian.
Babala ng pulisya, maaaring maharap sa kaparusahan ang sinumang lalabag tulad ng pagkumpiska ng motorsiklo, pagmumulta, at posibleng pananagutan ng magulang o guardian.
Higit sa lahat, binigyang-diin na maaaring humantong sa disgrasya at malubhang pinsala ang pagpapahintulot sa mga batang magmaneho.
Nanawagan naman ang pulisya sa mga magulang na maging responsable at huwag hayaang magmaneho ang kanilang mga anak.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










