𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗔𝗟𝗬𝗦𝗜𝗦 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗟𝗟𝗬-𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟

Isinasaayos na ang operasyon, training at dialysis machines para sa inaasahang pagbubukas ng San Fabian Dialysis Center sa huling linggo ng Setyembre ang na matatagpuan sa Brgy. Mabilao.

Ayon sa lokal na pamahalaan, 15 dialysis machine ang nakalaan sa naturang pasilidad upang makapagbigay serbisyo sa mas maraming pasyente.

Patuloy na sumasailalim sa mga pagsasanay ang nasa pitong dialysis nurse at tig-isang kinatawan mula sa PhilHealth,DSWD, Medical Doctor at Nephrologist na magsisilbing tagapangasiwa sa operasyon ng treatment center.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga dialysis patients sa Pangasinan lalo na ang mga residente ng San Fabian na maaring bayaran ang gamutan sa ilalim ng PhilHealth. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments