𝗦𝗔𝗡 𝗤𝗨𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗧𝗜𝗨, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗛𝗔-𝗛𝗔𝗥𝗔𝗦𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗨𝗛𝗔𝗡

Itinanggi ni San Quintin Mayor Florence Tiu ang pananakot at harassment umano ng kanyang mga tauhan na sakay ng pribado nitong sasakyan sa ilang residente sa bayan.

Sa live video ng alkalde, mayroon umanong drone na paikot-ikot sa bakuran ng kaniyang tahanan.

Nasaksihan nito ang umano’y drone na mababa ang lipad habang kasama ang kanyang pamilya dis oras ng gabi.

Dahil dito, pina-susundan nito sa kanyang tauhan ang drone at Napag-alaman na malapit sa Brgy. Hall ng Alac, San Quintin tumigil ang drone dahilan upang ipagtanong ang naturang insidente sa Brgy. Council.

Pinabulaanan naman ni Brgy. Alac Captain Roger Go ang pahayag ng alkalde dahil sa umano’y pananakot na nagkaroon pa komprontasyon sa pagitan ng Brgy council at tauhan ng opisyal habang gamit ang personal na sasakyan nito.

Sa kasalukuyan, naghain na ng reklamo ang bawat panig upang mabigyang linaw ang naturang isyu habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments