𝗦𝗔𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗧𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔

Nagsimula na noong araw ng Sabado ang Voter’s Satellite Registration ng Commission on Elections (COMELEC) sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Sta. Barbara.

Nauna nang pinuntahan ng kawani ng COMELEC ang barangay Balingueo. Susunod naman ang Poblacion Sur, Minien East, Matic Matic, Maronong, Minien West, Dalongue, Cablong, Maningding, Poblacion Norte at Ventenilla.

Magtatagal ang naturang satellite Registration hanggang sa huling araw ng Agosto. Kasabay nito ang voters’ education na may layong makapagbigay kaalaman ukol sa mga nakapaloob na impormasyon sa eleksyon lalong lalo na ang the right to suffrage.

Ang isinasagawang satellite registration sa mga bara-barangay at paaralan ay bilang paghahanda sa National and Local Elections sa darating na May 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments