𝗦𝗔𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗧𝗘 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Patuloy na isinasagawa ng Commision on Election o COMELEC Pangasinan ang centralized satellite voter’s registration sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan sa kasalukuyan.

Pahayag ni Atty. Marino Salas ang Provincial Election Supervisor ng COMELEC Pangasinan ang kahalagahan ng pagpaparehistro at paggamit ng karapatan sa pagboto lalo na sa kabataan sapagkat ito ay sandata na pantay ang lahat anuman ang estado sa buhay.

Dagdag niya, dapat pangunahan umano ng kabataan ang pagpaparehistro bilang frontliner ang mga ito sa teknolohiya na paraan ng pakikiisa sa mga programa ng gobyerno.

Patuloy na hinihikayat ni Salas ang publiko na huwag ng hintayin ang huling araw ng Setyembre upang magparehistro.

Kasalukuyan na isinasagawa ang on-site registration sa iba’t-ibang malls, paaralan at opisina ng COMELEC sa lahat ng bayan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments