𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗡𝗗𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗢𝗞, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗔𝗡 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

Pagsira sa mga breeding grounds o mga lugar na pinamamahayan ng lamok ang ang isa sa pinaka-epektibo pa rin umanong paraan kontra dengue ayon sa Regional Communicable Disease Prevention Unit.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, head ng CDPU 1, dapat umanong patuloy na isagawa sa mga komunidad ang mga clean up drive at ang paglilinis sa mga bahay upang maiwasan ang naturang sakit.

Naglaan ang kagawaran ng Kalusugan ng rehiyon ng 31.5 million pesos para sa mga kagamitan na makakatulong sa kampanya kontra dengue.

Nakatakdang ipamahagi ang mga kagamitan kontra dengue sa mga bayan ng Pangasinan kabilang ang Balungao, Bugallon, Lingayen, Bayambang, Binmaley, Calasiao, Labrador, Infanta, at Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments