π—¦π—–π—›π—’π—Ÿπ—”π—₯π—¦π—›π—œπ—£ π—”π—¦π—¦π—œπ—¦π—§π—”π—‘π—–π—˜ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—”π—‘π—”π—ž π—‘π—š 𝗒𝗙π—ͺ, π—•π—œπ—‘π—¨π—žπ—¦π—”π—‘ π—‘π—š 𝗒π—ͺπ—ͺ𝗔

CAUAYAN CITY – Tumatanggap na ng aplikasyon ngayon ang Overseas Workers Welfare Administration Region 02 para sa scholarship assistance sa mga incoming 1st year college students na anak ng migrant workers.

Sa inilabas na anunsyo ng ahensya, magsisimula ang aplikasyon sa ika-26 ng Hulyo at magtatapos naman sa ika-16 ng Agosto, taong kasalukuyan.

Nagkakahalaga naman ng P20,000 per school year ang scholarship na ibibigay ng ahensya sa maaaring maging kwalipikado sa naturang programa.


Kabilang sa maaring mag-apply ay kapatid o anak ng OFW, single, may passing general weighted average, at ang OFW ay hindi lalampas sa $600 ang kinikita buwan-buwan.

Pinapayuhan naman ang mga interesado na magregister lamang sa QRCode na nakapost sa official facebook page ng OWWA Region 02.

Facebook Comments