π—¦π—˜π—”π—¦π—›π—˜π—Ÿπ—Ÿπ—¦, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗠𝗕𝗔𝗗 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ π—‘π—š π—£π—¨π—šπ—”π—₯𝗒-π—¦π—¨π—œπ—§ π—•π—˜π—”π—–π—›, π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π—”π—‘π—š π—£π—”π—‘π—”π—‘π—”π—Ÿπ—”π—¦π—” π—‘π—œ π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š π—žπ—₯π—œπ—¦π—§π—œπ—‘π—˜

Sangkaterbang seashells ang tumambad sa mga residente ng Brgy. Pugaro, Dagupan City, Pangasinan umaga ng biyernes matapos manalasa ang bagyong Kristine.

Sa ipinadalang litrato at video ng mga residente sa IFM News Dagupan, makikitang pinagkaguluhan ng mga residente ang pambihirang pangyayari sa Pugaro suit beach at kanya-kanyang kuha ng seashells sa dalampasigan.

Ayon sa mga residente, ngayon lamang ito nangyari sa kanilang lugar na pinaniniwalaan nilang biyaya umamo mula sa dagat matapos ang naranasang storm surge ng bagyo na naranasan sa mga baybayin sa lalawigan.

Ang ilan sa mga residente naka kuha ng limang palanggana ng seashells na pang-ulam na umano ng mga ito.

Samantala, hindi rin makapaniwala ang mga residente na nagmistulang white sand ang dating kulay tsokolateng buhangin ng dagat. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments