𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥 𝗗𝗘 𝗘𝗗𝗔𝗗, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado ang isang security guard sa lungsod ng Dagupan matapos itong ireklamo ng panggagahasa sa isang menor de edad.

Isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na kinilalang si Samuel Lalicon, 46 anyos residente ng Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, noong nakaraang buwan nang ihain ang kaso laban sa suspek.

Palipat lipat umano ng tirahan ang suspek bago ito mahuli ng pulisya. Kasong qualified statutory rape ang isinampa laban dito na kasalukuyang nasa custodial facility ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments