𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Patuloy na tinututukan ang sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Pangasinan bilang tulong sa mga magsasaka at sa kabuuang pagpapaunlad pa ng sektor.

Isa na rito ang pag-arangkada ng Kadiwa on Wheels sa Kapitolyo na nakakalap na ng higit limang milyong pisong halaga.

Naipamahagi rin ang ilang mga kagamitang pansaka tulad ng hand tractors four wheel tractors, transplanters at dryers. Natulungan din ang ilang mga grupo ng mga magsasaka at local MSMEs sa lalawigan sa ilalim ng Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposure o ASPIRE.

Nakapagsagawa rin ng mga skills trainings lalo na sa mga kababaihang nais matuto ukol sa produksyon at proseso ng iba’t-ibang produkto.

Samantala, ilan pang programa sa ilalim ng DA Region 1 ang inaasahang maisasakatuparan para matulungan ang mga magsasaka hindi lamang sa lalawigan magin sa buong Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments