Natapos na ang sampung araw na Revitalized-Pulis sa Barangay seminar ng limampung pulisya sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang mga lumahok sa naturang seminar ay mula sa 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company na sinanay upang mapataas ang kapasidad sa pagpapanatili ng peace and order sa barangay level. Ayon kay PRO1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista, ang presensya ng mga pulis sa barangay ay hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan kundi upang maitaguyod ang matibay na relasyon na naaayon sa paggalang at tiwala ng isa.
Ang R-PSB ay may layuning mapabilis ang police service delivery sa rehiyon para sa mas ligtas na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments