𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡

Nakatanggap na ng tatlong milyong kabuuang ayuda ang mga senior citizens sa bayan ng Mangaldan sa ika-anim ng bugsong programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1.

Sa ginanap na AICS payout nitong ika-21 ng disyembre, umabot na sa 1,500 senior citizens ang nakatanggap ng naturang ayuda, sa bayan ng Mangaldan.

Katuwang ng lokal na pamahalaan at DSWD ang Macario Ydia Development Center (MYDC), kabilang na ang presensya ng mga kawani ng Community Affairs Office (CAO) at General Services Offices (GSO) para sa maayos na daloy ng programa noong huwebes.

Ang naturang payout na nagkakahalaga ng dalawang libo ay malaking tulong para sa mga senior citizens, para sa kanilang mga medikasyon at iba pang pangangailagan. Gayundin, ang pagpapaabot ng tulong ay nagiging posible sa pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Samantala, binibigyang-linaw ng DSWD Region 1 na isang beses lamang nakatatanggap ang mga benepisyaryo, kung saan hindi na sila puwedeng makatanggap ng dalawang beses o higit pa. Layon nila na maipa-abot ang tulong sa bawat residente ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments