Tinanggap ng mga hog raisers sa lungsod ng San Carlos ang mga sentinnel pigs mula sa City Veterinary Office.
Ang mga benepisyaryo ay mga nag-alaga ng baboy na naapektuhan dahil sa African Swine Fever o ASF.
Saklaw pa ng pamamahagi ang pagsasailalim sa mga hog beneficiaries sa mga pagsasanay at seminar ukol sa tamang pag-aalaga ng baboy upang malaman ng mga ito ang nararapat na hakbanging sakaling makaranas ng crisis sa hog raising.
Patuloy naman na nakaantabay ang pamunuan ng Department of Agriculture Region 1 kaugnay sa naturang sitwasyon ng ASF sa buong Ilocos Region.
Samantala, ilang mga bayan sa rehiyon ay nananatiling nasa ilalim ng Red Zone Status o Infected Zone sa usapin ng ASF.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments