Saturday, April 11, 2026

𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗦, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡𝗢, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

CAUAYAN CITY- Isang Serbisyo Caravan para sa mga former rebels ang idinaos sa San Mariano, Isabela kahapon, ika-10 ng Abril.

Pinangunahan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang naturang aktibidad, na naghatid ng mga serbisyong pangkalusugan, tulong pinansyal at iba pang mga serbisyo para sa mga former rebels upang upang magbigay ng pag asa sa kanila para makapag bagong buhay.

Tinatayang nasa 200 na dating rebelde ang dumalo sa programa. Kabilang sa kanilang natanggap ang libreng medical check-up, mga gamot, at vegetable seedlings na maaaring magsilbing panimula sa kanilang kabuhayan.

Sa pahayag ni Undersecretary Angelito de Leon, nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga ahensya ng gobyerno na nakiisa sa aktibidad upang maghatid ng tulong at pag-asa sa mga benepisyaryo. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa reintegration ng mga dating rebelde sa lipunan.

Ang nasabing programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga nagbalik-loob na mamamayan.

Facebook Comments