Iginawad sa mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA), Public Utility Vehicle at Passenger Boat Association ang sertipiko ng pagkilala at insentibo mula sa lokal na pamahalaan ng Alaminos City kung saan nakamit ang isang daang porsyento ng registration sa taong 2023 ng Oktubre.
Ang paggawad na ito ng LGU sa mga naturang transportation cooperatives ay para mahikayat ang iba pang mga kooperatiba at mga asosasyon na masiguro na lhat ng kanilang mga miyembro ay naaasikaso ang taunang Mayor’s Permit, Motorized Tricycle Operator’s Permit, at Annual Sticker nito.
Ang insentibo naming iginawad sa kanila ay para maging dagdag na pondo nila na maaaring magamit sa pang araw-araw at ibinase rin ito sa laki ng mga miyembro ng isang asosasyon.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod, ang pagsasagawa ng ganitong klaseng pagkilala at pagbibigay insentibo sa mga transport associations sa kanilang lungsod ay siyang kanilang inisyatiba para kilalanin ang mga tricycle, PUV at mga bangkero bilang isa rin sa mukha ng kanilang lungsod na tumutulong na maihatid ng maayos ang bisita at turista sa mga tourist attraction meron sila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments