Posible pang masundan sa susunod na linggo ang serye ng umiiral na taas presyo sa mga produktong petrolyo, base sa naging pagtataya ng Department of Energy, Oil Industry Management Bureau.
Umiiral ngayon ang taas presyo sa Gasoline na ₱2.80 per liter, Diesel na may umentong ₱1.30 per liter at Kerosene na nasa 0.45 kada litro na dagdag na epektibo nito lamang January 30.
Inalmahan ito ng ilang mga drivers at operators sa Pangasinan dahilan na ilang linggo na raw itong nararanasan at malaking bawas din sa kanilang kita.
Nasa dalawang daan ang tinatayang bawas sa kanilang arawang kita na napupunta umano sa pang krudo.
Samantala, nauna nang inihayag ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbabawas ang mga ito ng nasa 2.2M barrels per day ng oil production sa unang quarter ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨