
βCauayan City – Muling nabuhay ang sigla at nostalgia nang magbalik ang SexBomb Girls sa entablado sa Get, Get, Aw: The SexBomb Concert rAWnd 4 na ginanap sa SM Mall of Asia Arena na sinalubong ng malalakas na hiyawan mula sa libo-libong tagahanga.
β
βPinuno ng grupo ang halos 20,000-capacity na venue, habang sa labas naman ay ipinatupad ang traffic rerouting dahil sa dagsa ng fans na nakasuot ng SexBomb-inspired outfits at iconic na high-heeled boots.
β
βUmarangkada ang konsiyerto sa isang explosive opening number na βSexbomb,β tampok ang 360-degree stage at high-adrenaline performances.
β
βInawit din ng grupo ang kanilang mga hit novelty songs tulad ng βSige, Sige,β βSumayaw Sumunod,β at βDi Ko Na Mapigilan,β na lalong nagpaindak sa manonood.
β
βBago matapos ang gabi, inanunsyo ni Rochelle Pangilinan na may nakatakdang local at international shows ang SexBomb Girls, patunay na patuloy pa rin ang kanilang impluwensiya at kasikatan sa entertainment industry.
Β
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
β
Facebook Comments










