Patong-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng tatlo katao ang ikinasang buy bust operation sa bayan ng Pozzorubio.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Racman Macalaba Premitivo Quirimit at Jomar Albuendia.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas dos ng madaling araw sa Barangay Talogtog na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga ito ng limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.5 grams at nagkakahalaga ng mahigit sampong libong piso, isang Caliber 22 revolver kasama ang magazine at bala nito.
Inihahanda na ngayon ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments