Friday, February 27, 2026

𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City – Timbog ang isang magsasaka matapos makumpiska ang hinihinalang shabu sa isang Anti-Illegal Drug Buy-Bust Operation na isinagawa ng Cauayan Component City Police Station (CCPS) nitong Pebrero 26, 2026 sa Maharlika Highway, Brgy. District 1, Cauayan City.

Kinila ang suspek bilang alyas “Larry,” 30 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Nagrumbuan, Cauayan City.

Nakumpiska sa kanya ang isang sachet ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, isang piraso ng tunay na 500-peso bill bilang buy-bust money, limang piraso ng 500-peso bill bilang boodle money, at isang cellphone.

Pinangunahan ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan Component City Police Station bang lead unit, katuwang ang PDEA Isabela, Provincial Drug Enforcement Unit., Regional Intelligence Unit 2 – Provincial Intelligence Team Isabela, at Regional Mobile Force Battalion 2.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Cauayan Component City Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments