𝗦𝗛𝗘𝗟𝗧𝗘𝗥 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 “𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘”

Cauayan City – Nakatanggap ng shelter assistance ang mga residente mula sa bayan ng Sta. Praxedes, Cagayan na lubhang naapektuhan ng pagsalanta ng bagyong “Marce”.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development Regional Office 2 kasama ang LGU Sta. Praxedes sa pangunguna ni Municipal Mayor Esterlina Aguinaldo.

Umabot sa 102 na mga benepisyaryo na nasiraan ng bahay noong kasagsagan ng bagyo ang nakatanggap ng Emergency Shelter Support
sa ilalim ng Department’s Integrated Disaster Shelter Assistance Program.


Maliban dito, nangako rin ang LGU na magbibigay ng karagdagang tulong sa 10 miyembro ng Indigenous People sa kanilang bayan, na nasalanta rin ng nakaraang mga bagyo.

Facebook Comments