𝗦𝗜𝗚𝗡 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗨𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗪𝗗 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬

Pinangunahan ng Persons with Disability Affairs Office sa ilalim ng Mangatarem Social Welfare and Development Office ang tatlong araw na seminar patungkol sa Sign Language.

Naniniwala ang tanggapan sa malaking tulong ang aktibidad upang mas maging maayos ang pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na may kapansanan o sa mga may hearing disability.

Layunin ng sign language seminar na isulong ito upang pagbutihin ang komunikasyon sa mga may kapansanan sa pandinig.

Tinalakay sa naturang aktibidad ang pag-unawa sa sign language at mga gampanin nito sa pakikipag-ugnayan maging ang epektibong paggamit nito sa nakababatang grupo.

Katuwang ang ilang learning providers, lokal na pamahalaan ng Mangatarem at buong pwersa ng Municipal Social Welfare and Development Office naging matagumpay ang pagsasagawa ng sign language seminar sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments