𝗦𝗜𝗟𝗟𝗔𝗪𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔

Cauayan City – Handang-handa na ang pamunuan ng Sillawit National Highschool para sa magaganap na Brigada Eskwela ngayong School Year 2024-2025.

 

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Renato Barientos, Principal sa SNHS, nagkaroon na sila ng pagpupulong kaugnay sa gaganaping Brigada Eskwela maging sa nalalapit na pagsisimula ng pasukan.

 

Sinabi ni Barientos na bukod sa nakalaang budget mula sa School Maintenance and other Operating Expenses, malaking tulong rin ang mga gamit mula sa donasyon ng mga private sectors sa kanilang paaralan.


 

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na rin sila sa mga volunteers katulad na lamang ng mga magulang, barangay officials, at iba pang mga ahensya at organisasyon na tutulong sa kanila sa gagawing paglilinis sa paaralan.

Facebook Comments