𝗦𝗜𝗡𝗚𝗘𝗥-𝗦𝗢𝗡𝗚𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝟳𝗧𝗛 𝗦𝗢𝗨𝗧𝗛𝗘𝗔𝗦𝗧 𝗔𝗦𝗜𝗔𝗡 𝗔𝗖𝗛𝗜𝗘𝗩𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗

Pinarangalan ang ang isang Pangasinense sa 7th Southeast Asia Achievement Award sa Pasay City.

Itinanghal si Efren C. Medina Jr., bilang Asia’s Most Outstanding Singer-Songwriter at Asias’s Sentimental Balladeer.

Ayon sa 47 taong gulang na mang-aawit, bata pa lang siya’y minahal na niya ang musika at nakatulong din ito sa kanyang pang araw araw na pamumuhay.

Taon-taon nagkakaroon ng pagkilala ang naturang award giving body upang bigyang parangal ang mga naging kontribusyon at talento ng bawat indibidwal sa iba’t ibang larangan tulad ng musika, comedy hosting, drama acting, sa business industry at marami pang iba.

Nagpasalamat naman si Medina sa kanyang mga pamilya sa suporta na siyang naging inspirasyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments