𝗦𝗜𝗡𝗚𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗬 𝗢𝗧𝗦𝗢 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡

Dead on arrival sa pagamutan ang isang singkwentay otso anyos na lalaki matapos itong makuryente sa bayan ng San Fabian.

Ang biktima ay nakilalang si Juanito Vicera residente ng Quezon City.

Naganap ang insidente Pasado alas onse ng Umaga sa bahay ng isang Kaibigan nito habang nagkakabit ng wires at switch sa kusina ng nasabing bahay nang makuryente.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments