
Cauayan City – Humingi ng paumanhin ang SK Chairperson ng Sta. Cruz, Laguna na si Mark Adrian Napiza matapos kumalat sa social media ang isang video kung saan makikita siyang humahawak sa mga naka-display at itinitindang siopao at hotdog sa isang convenience store.
Ayon sa kanya, biro lamang ang kanyang ginawa at bahagi ng content kasama ang kanyang mga kaibigan.
Mabilis na kumalat ang video noong Lunes, Pebrero 16, 2026, kung sana binatikos ito ng publiko dahil sa unsanitary practices.
Samantala, ipinag-utos ni Sta. Cruz Mayor Benjo Agarao ang imbestigasyon sa insidente, na binigyang-diin na hindi magandang halimbawa ang ipinakita ng SK chairperson.
Kahapoh, Pebrero 17, 2026, naglabas si Napiza ng pormal na pahayag upang humingi ng tawad.
Boluntaryong niyang inalis ang video sa social media at tiniyak na lahat ng kanyang hinawakan na pagkain ay binayaran sa mismong araw.
Inako ni Napiza ang buong pananagutan sa kanyang pagkakamali at nangako na magiging mas maingat sa hinaharap.
![]()










