Tuesday, February 17, 2026

“π—¦π—Ÿπ—’π—ͺ 𝗗𝗒π—ͺ𝗑” π—¦π—œπ—šπ—‘π—”π—šπ—˜π—¦, π—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—•π—œπ—§ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—”π—–π—–π—œπ——π—˜π—‘π—§ 𝗣π—₯π—’π—‘π—˜ 𝗔π—₯π—˜π—”π—¦ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š 𝗦𝗔𝗑 π—”π—šπ—¨π—¦π—§π—œπ—‘


β€Ž
β€ŽCauayan City – Naglatag ng mas pinaigting na hakbang laban sa mga aksidente sa kalsada ang San Agustin Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng San Agustin.
β€Ž
β€ŽKabilang sa hakbang na ito ay ang paglalagay ng mga β€œSlow Down – Accident Prone Area” signage sa mga lugar na may mataas na insidente ng vehicular accidents.
β€Ž
β€ŽAyon sa pulisya, isinagawa ang hakbang matapos ang masusing assessment at koordinasyon upang matukoy ang mga high-risk areas gaya ng matatarik na kurbada, madudulas na bahagi ng kalsada, at mga lugar na mabilis ang daloy ng sasakyan.
β€Ž
β€ŽBinigyang-diin ng kapulisan ng San Agustin na ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na kampanya para sa disiplina at responsableng pagmamaneho.
β€Ž
β€ŽHinihikayat din ang publiko na sumunod sa itinakdang speed limit, iwasan ang distracted driving, at tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe, tungo sa mas ligtas at maayos na lansangan sa San Agustin.
β€Ž
β€ŽSource: San Agustin Mps Valley Cops
β€Žβ€Ž—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments