Mas tinatangkilik ngayon ng mga Pangasinenseng konsyumer ang small-sized na mga bangus sa pagpasok ng taong 2024.
Ayon sa mga fish vendors, kung noong holiday season, patok daw sa mga mamimili ang malalaking mga bangus, ngayon daw ay mas mabili ang mga maliliit dahil kadalasang hanap ng mga consumers ay ang boneless nito.
Mas mainam daw ang small-sized bangus boneless kaysa sa mga malalaki ang sukat.
Marami rin ang produksyon nito ngayon sa mga pampublikong pamilihan gaya na lamang sa Dagupan City kung saan naglalaro ang mga small-sized mula sa ₱130 hanggang ₱150 sa kada kilo nito.
Ang nasa standard size, naglalaro naman sa presyuhang mula ₱170 hanggang ₱180 at sa kasalukuyan ay wala umano itong paggalaw.
Samantala, sapat ang produksyon ng nasabing produkto sa buwan ng Enero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨