
βCauayan City – Ipinahayag ni Prime Minister Pedro SΓ‘nchez sa World Governments Summit sa Dubai ang plano ng Spain na ipagbawal ang social media sa mga kabataang wala pang 16 taong gulang upang protektahan sila mula sa βdigital Wild West.β
βKasama rin sa panukala ang pananagutin ang mga kompanya sa ilegal o mapanganib na nilalaman sa kanilang mga platforms.
βBahagi ng plano ang pagpapatupad ng mas mahigpit na age verification at ang pananagutan ng mga kumpanya sa illegal and harmful content.
βIpagbabawal din ang pag-manipula ng algorithms na nagpapalaganap ng maling impormasyon at karahasan.
βKasama rin sa mga hakbang ang pag-iimbestiga sa mga social media platforms gaya ng Grok ng X, TikTok, at Instagram, na kasalukuyang sinusuri rin sa Europe at UK.
βHabang sinusuportahan ng ilang partido ang panukala, tinututulan naman ito ng far-right na Vox.
βNagbabala naman ang ilang social media companies na maaaring mahirap ipatupad ang ganitong ban at maaari ring magdulot ng isolation sa mga kabataan.
βSamantala, ilang bansa tulad ng France, Denmark, Austria, at UK ay nag-aaral din ng posibilidad na maglagay ng national age limit sa social media.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










