Pagpapaigting sa social protection program sa Ilocos region ang isa sa pinakamahalagang ipinunto sa ginanap na ika-anim na Dagyaw sa La Union. Nasa pitong daang residente mula sa lokalidad ang nakibahagi sa naturang kaganapan kabilang na rito ang mga nasa marginalized sectors.
Inihayag sa naganap na diyalogo sa pagitan ng government officials at residente ng probinsiya ang mga inisyatibo upang mabawasan ang kahirapan, magkaroon ng oportunidad sa trabaho, at maiangat ang kalidad ng serbisyo ng gobyerno.
Binigyang-diin sa naganap na diyagolo ang kahalagahan ng public trust at accountable public service.
Bukod sa talakayan na naganap ay nagkaroon din ng mga government service booths para mapalapit at maihatid sa publiko ang mga serbisyong kanilang kinakailangan.
Ang pagsasagawa ng Dagyaw ay pinangungunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Budget and Management (DBM), at ng Philippine Information Agency (PIA) para sa pagbibigay ng bukas na diyalogo sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨