𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 𝗦𝗨𝗥𝗚𝗘, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗔𝗟𝗜𝗡𝗧𝗔𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛

Hindi nagpatinag ang ilang residente ng Pangasinan sa itinaas na storm surge warning na dulot ng Bagyong Pepito.

Sa San Fabian Beach, kahit pa inabisuhan na ng awtoridad ang mga naliligo sa lugar ay pumupuslit puslit ang mga ito sa pagligo sa dagat.

Ang Ilan mula pa sa karatig probinsiya na sinadya umano ang lugar.

Sa kabilang banda, hindi na rin pinili na pumalaot ng mga mangingisda sa San Fabian para sa pagtitiyak ng kanilang kaligtasan dahil nadala na rin umano sila sa mangilan ngilan na mga napapaulat na nawawalang mangingisda matapos pumalaot sa gitna ng sama ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments