𝗦𝗨𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗚𝗔𝗬, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗚𝗨𝗢

Iginiit ni Sual Pangasinan Mayor Dong Calugay na wala silang romantikong relasyon ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado sa POGO.

Dumalo ang alkalde matapos itong padalahan ng subpoena ng senado. Sa senado, ilang larawan ang ipinakita ni Senator Jinggoy Estrada sa posibleng ugnayan ng dalawa mapa romantiko man o sa negosyo.

Ayon sa alkalde, wala rin silang business relationship at iginiit na nagkilala lang sa farm ni Guo dahil siya ay naghahanap ng supplier ng baboy.

Tinitignan din sa pagdinig ang posibilidad na sa isang resort sa Sual ang naging daan para ito ay makatakas ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments