𝗦𝗨𝗟𝗜𝗥𝗔𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗠𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Inilatag ang ilan sa mga nararanasang suliranin partikular na sa dagsa ng tao sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa bayan ng Manaoag.

Kasunod na ito ng isinagawang Tourist Attraction Visitors Survey Data Report kung saan layong alamin ang kabuuang convenience tulad na lamang ng pagiging malinis at ligtas sa lugar.

Lumalabas na mayorya sa naging pagtugon sa survey ay sang-ayon na maayos ang karanasan sa pagbisita sa naturang lugar.

Ilan sa tututukan ngayon ng LGU Manaoag ay ang mangilan-ngilang mahal na benta sa kandila, mataas na parking fee at mabagal na daloy ng trapiko.

Samantala, bahagi ng aksyon sa mabigat na trapiko ay ang planong magpatayo ng multi layered parking facility at intermodal terminal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments