𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Sunog na katawan ng tao, nakataling mga kamay at paa at may nakapulupot na wire sa leeg ang natagpuan ng isang residente sa liblib na bahagi ng Brgy. Primicias, Bautista, Pangasinan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Bautista Police Station PCpt. Ryan B. Parica, “severely burnt” ang kinahihinatnan ng biktima kung kaya’t hirap Silang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Isinailalim na sa post mortem examination ang katawan ng biktima upang malaman kung ano ang kasarian.

Nakuhanan na rin ito ng DNA sample sakaling mayroong kaanak na magclaim ng katawan ng biktima.

Ayon kay Parica, hindi inaalis ang posibilidad na maaari umanong doon na sinunog ang biktima.

Isang witness umano ang nakakita na mayroong nasusunog sa nasabing bahagi alas diyes ng gabi bago matagpuan ang katawan ng biktima kinabukasan.

Nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng awtoridad ukol sa nasabing insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments